CariDotMy

 Forgot password?
 Register

ADVERTISEMENT

Author: jaeden85

MAGING SINO KA MAN BOOK 2 (DEC 2007)

[Copy link]
Post time 30-11-2007 02:48 PM | Show all posts

Reply #36 kapamilyaako23's post

I just love to see JLC in red
Reply

Use magic Report


ADVERTISEMENT


Post time 30-11-2007 02:50 PM | Show all posts
Originally posted by marissa_jc at 25-11-2007 11:27 PM
i too have that i'm able to watch Book 2 on youtube.  at least you can subscribe to TFC Anfield.  i completely have no way in watching.


tengok lah nanti Marissa, kalau x ada org upload baru subscribe .. save cost lah katakan :-)
Reply

Use magic Report

Post time 1-12-2007 09:11 AM | Show all posts

Toni Gonzaga will not allow boyfriend Paul Soriano to enter Big Brother's house

Alex Datu    Wednesday, November 28, 2007

Ilang beses binanggit ni Toni Gonzaga ang salitang "no" tanda ng pagtutol niya na pumasok ang kanyang kasintahan na si Direk Paul Soriano sa Bahay ni Kuya at maging housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nakunan ng pahayag ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress-TV host kagabi, November 27, sa engrandeng presscon ng Maging Sino Ka Man Book 2 sa Plaza Ibarra sa Timog Ave., Quezon City.

Ayon kay Toni, nakausap na niya si Direk Lauren Dyogi ng PBB na hindi nito papayagan si Paul kung sakaling hihikayatin itong pumasok bilang isang housemate. Naranasan na raw kasi ni Toni ang hirap sa loob ng Bahay ni Kuya noong naging guest housemate siya at ayaw niyang maranasan ito ng kanyang boyfriend.

"Hindi ko talaga siya [Paul] papayagan, masyadong maraming temptations. Mahirap tumira sa bahay na 'yon kaya saludo ako sa mga housemates, kasi mahirap 'yong ginagawang pagtu-torture ng emotion. Okay lang 'yong pisikal na bagay. Kaya nga for you to survive a day inside that house is a big deal," paliwanag ni Toni.

Sinabi ni Toni na sa apat na raw na pamamalagi niya sa loob ng Bahay ni Kuya ay totoo ang nakita sa kanya ng mga manonood.

"Mahirap naman mag-pretend sa bahay na 'yon," sabi niya. "Kahit anong gawin mong pagpi-pretend at pagpapanggap, lalabas at lalabas 'yong totoo kasi 24 hours kang nandoon. Mahirap magkubli ng totoong pagkatao."

MARIEL RODRIGUEZ. Hanggang ngayon ay isa rin si Toni sa nag-aabang sa paglabas ng kanyang co-host sa PBB at Entertainment Live na si Mariel Rodriguez mula sa Bahay ni Kuya. Ilang linggo na rin kasing nasa loob si Mariel bilang guest housemate at wala pang katiyakan kung kailan siya palalabasin ni Kuya.

"It's something I didn't know because they always tell me Mariel is coming out this day and then, nababago, e. So, hindi ko talaga alam," ani Toni.

Aware din daw si Toni sa mga naging negatibong impresyon ng mga manonood kay Mariel dahil sa mga pagsasalita nito na "kadiri ang showiz" at "baduy ang GMA-7" habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Sinabi ni Toni na nirerespesto niya kung anuman ang naging pahayag ni Mariel.

"For her to say those things, I think she has her own reasons kung bakit nasabi niya 'yon o kung anuman ang ginagawa niya sa loob ng bahay. I'm sure ipinapakita lang niya 'yong pagiging totoo niya, because that's what PBB is all about, how true you are to yourself."

Dagdag niya, "I know Mariel's someone who is very bubbly and very positive ang paningin sa buhay. I just wish na when she gets out, she will be able to explain everything."


POWERFUL CAST. Kasama si Toni sa pabuloso at powerhouse cast ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik, na magsisimula na sa December 10 sa ABS-CBN. Pero sinabi ng young actress na sa una ay may alinlangan siya kung tatanggapin niya ang offer dahil naniniwala siya na ang lahat ng artistang gumanap sa Book 1 ay establisado na ang kani-kanilang mga karakter.

"Because of the meeting and brainstorming, I got convinced na, I think, this is a great project and I'm so honored that they considered me," sambit ni Toni.

Bukod sa mga beteranong cast members sa Maging Sino Ka Man, sobrang excited din si Toni sa pagsasama nila nina Sam Milby at Anne Curtis sa isang project, bukod sa musical variety show na ASAP '07.

"Honestly, I'm looking forward to working to both of them because I haven't really worked with them sa ganitong klaseng field," sabi ni Toni. "I respect them as artists and I have so much respect how they love their craft. I'm just really looking forward to our scenes together and I'm happy to be able to work with them."
Reply

Use magic Report

Post time 1-12-2007 09:14 AM | Show all posts
Despite the seven-year age gap between Derek Ramsey and Angelica Panganiban, their relationship is going stronger and their respective careers are flourishing.



Derek Ramsey on girlfriend Angelica Panganiban: "She's my inspiration now."
Balot Antazo    Wednesday, November 28, 2007


Bagong pasok sa cast ng teleseryeng Maging Sino Ka Man Book 2 ng ABS-CBN ang character ni Derek Ramsey. Siya ang gaganap na Joaquin delos Santos at makakatambal niya ang real-life girlfriend na si Angelica Panganiban.

Masarap kausap ang binata dahil very candid at straightforward itong sumagot sa mga tanong at intrigang ibinabato sa kanya. Walang kiyeme, kumbaga.


Ang unang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya during the presscon of ABS-CBN's upcoming TV series last night桸ovember 28梥a Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City, ay tungkol sa pagsasama nila ni Angel sa isang proyektong pang-telebisyon. How does it feel na makakatrabaho mo si Angel (ang tawag ni Derek kay Angelica)?

"We've worked together sa Ysabella ni Angel. Excited uli ako working with her dito. Ever since, bilib na ako kay Angel as an actress, especially noong mapanood ko siya sa movie na A Love Story. She's really good and great actress. I'm also looking forward working with new people. This is such a wonderful cast, and I'm so proud to be part of this teleserye," bungad ni Derek.

Isa si Derek sa fast-rising stars ng Kapamilya network. Sinasabi nga ng iba na puwede na siyang ihanay sa level nina John Lloyd Cruz, Sam Milby, at Piolo Pascual. Ano naman ang masasabi niya ukol dito?

"It's nice to be compared to them, but honestly, hindi pa ako puwedeng ikumpara sa kanila. I'm just starting in this business. Sila, marami nang napatunayan. But I'm glad at naa-appreciate pala ng tao ang akting ko. Marami pa akong dapat matutunan when it comes to acting, and willing ako to learn and improve my craft. Inaaral ko talaga lahat ng projects na ibinibigay sa akin.

"It's really an honor for me kapag sinasabing puwede na akong ihilera kina John Lloyd, Piolo, and Sam when it comes to acting. It's really a compliment. I just hope I can live up to their expectations. But I'm really, totally different from Sam, hindi ako marunong kumanta," ang sabi pa ng guwapong aktor.

RULES OF RELATIONSHIP. Samantala, tinanong din namin si Derek tungkol sa girlfriend niyang si Angel, hindi ba niya ito pinagbabawalang magpa-sexy sa TV at maging sa mga magazine covers?

Aniya, "I've met her na kasi, lumabas na yung mga cover niya sa men's mag like Maxim, FHM, hindi ako yung tipo ng lalaki na porke't kami na, eh, pagbabawalan ko siya. I'll support her, at saka hindi naman malalaswa at pangit kaya I should be proud pa nga instead."

As a boyfriend, do you set rules sa relationship ninyo? Gaano na ba katagal ang inyong relationship?
"No, hindi. Yun ang maganda sa amin, wala kaming rules. Matagal na kaming magkakilala ni Angel, over a year na, pero yung official na mag-on, four months na kami. Hindi kasi ako sanay dito sa Pilipinas na may anniversary at monthsary pa, eh. Si Angel ang pang-fourth girlfriend ko, and so far, I'm enjoying every minute with her. She's a wonderful person inside and out. We pretty get along well at marami kaming bagay na nadi-discover with each other. I love her the way she is and I wanna thank her for coming into my life. She's my great inspiration now," papuri pa ng binata sa girlfriend.

Seloso ba siya as a boyfriend?
"Hindi. I think jealousy is bad. Seloso ako pero yung sadya na selos, yung naglalambing lang. Tampuhan siguro."

Nang usisain siya tungkol sa pagiging protective sa girlfriend, ang sagot niya,
"Protective...kung sinapak siya, sasapakin ko siyempre. Pero like me, sinabi ko sa kanya na kapag may manglanding lalaki sa iyo, dapat you should be able to handle that on your own. Kasi maganda kang babae, siyempre, yung mga lalaki titingnan ka, hindi ako yung tipo ng lalaki na kapag may tumitingin sa gf ko aawayin ko."

Sa ngayon, masasabi ni Derek na secure siya kay Angel. "Secure ako kasi she said yes to me, di ba? Sabi ko sa kanya, 'pag may babaeng lumandi sa akin, like you, I handle my business. Sasabihin ko may, gf ako. Ayoko ng gulo, eh."

FAMILY MATTERS. Balitang botong-boto raw ang Mommy ni Angel sa kanya.

"Mabait ang Mommy ni Angel sa akin. Binibigyan ako ng pagkain, pinagluluto ako paminsan-minsan, medyo mahiyain nga lang. Ewan ko ba, bakit tingin ng tao sa akin antipatiko o mahirap makausap. Mahiyain yung Mommy niya, eh. Minsan nagdi-dinner kami...Alam naman niya sigurong inaalagaan kong mabuti ang anak niya at hindi sinasaktan kaya siguro good shot ako sa Mom ni Angel," ang tinuran ng binata.

Sa side ng family mo, naipakilala mo na ba si Angel?
"Yes. Dinala ko na siya sa amin. Yung mga niece ko nga, ang tawag sa kanya, Tita Angel. Lagi siyang hinahanap ng mga anak ng kapatid ko. On Dec. 13, a-attend kami ni Angel ng isang function with my family sa British Embassy, so medyo excited ako dun para makita ko kung paano siya makikipag-communicate sa Tatay ko. Nakilala na n'ya Dad ko. Na-meet na rin siya ng Mom ko. Request ng Dad ko, kaya isasama ko si Angel. They all like Angel at sobrang ganda at bait nga raw ng girlfriend ko," ang pagmamalaki ni Derek.

WEDDING TALKS. Since going strong ang pagsasama ninyo ni Angel, napag-uusapan n'yo na ba ang kasal? Nasa plano na niyo na bang dalawa ang lumagay sa tahimik?

"Ay wala pa. We haven't talk about stuff like that. Talaga enjoy kami sa relationship ngayon, maybe later on, pero ngayon wala pa kaming pinag-uusapan about marriage. It's too early to tell and she has to concentrate on her career. I have to concentrate also on my career. Tulungan muna kami doon. And then, pagkatapos nun, you can never say...so right now, hindi namin pinag-uusapan. The relationship is going so well, baka lang ma-jinx pa 'yan. Faithful naman ako," sagot ni Derek.

BIRTHDAY WITHOUT ANGEL. Meanwhile, this December, paalis papuntang Taiwan si Derek para lumabas sa Frisbee competition and incidentally, ay birthday niya pa 'yon (December 7) kaya hindi sila magkakasama on that special day ni Angel?

"I'll be representing the country in Taiwan, and I'll be leaving on Dec. 5 or 6. On my birthday, lumalaban ako. But Angel and I will gonna celebrate before I leave. As long as we have one day to celebrate, okay lang sa akin kahit walang gift sa akin si Angel. Hindi importante sa akin ang gift."

May knee injury ka, hindi ba ito delikado sa magiging laban mo?
"Actually, advise nga ng doctor that I should go with the operation pero I'm really stubborn. Nakikita naman n'yo sa personality ko, talagang never say die. Talagang laban kung laban. 慙ive one day at a time,' that's my motto. Iingatan ko na lang siguro, poprotektahan ko, pero hindi ko kasi puwedeng palagpasin ang opportunity na ito.

"Actually, naka-plano ang schedule ng operation on Dec 27 pero may taping naman ng MSKM [Maging Sino Ka Man]. Sana mapa-opera ko na nga ito soon," ang pagwawakas ni Derek sa aming interview, sabay imbita na panoorin at subaybayan ang teleserye kung saan makakasama niya sina Anne Curtis, Toni Gonzaga, Christopher de Leon, Phillip Salvador, Chin Chin Gutierrez, and Rosanna Roces.
Reply

Use magic Report

Post time 1-12-2007 09:17 AM | Show all posts

Angelica Panganiban on boyfriend Derek Ramsey: "He's almost perfect and he treats me like a princess."

Balot Antazo   Wednesday, November 28, 2007

Tiyak na magmamarka ang role ng young actress na si Angelica Panganiban sa Book 2 ng isa sa pinakamalaki at award-winning teleserye ng ABS-CBN, ang Maging Sino Ka Man. Ginagampanan niya rito ang character ni Maria Lena Rubio Madrigal, ang "jologs at lukaret" na anak ni Rosanna Roces. Kapatid niya sa ama si Bea Alozno at mai-involve din siya rito kay John Lloyd Cruz.

Makakatambal din ni Angelica sa naturang serye ang kanyang real-life boyfriend na si Derek Ramsey kaya't tiyak na mas lalong lalalim pa ang kanilang samahan dahil lagi silang magkasama sa taping. Tanong tuloy ng entertainment press kay Angelica sa presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik kagabi, November 27, ay kung gaya nina Anne Curtis at Sam Milby ay magkakaroon din sila ng kissing scenes at love scenes dito.

"Naku, marami kaming kissing scenes dito ni Derek na dapat abangan! Kayo ang mananawa sa dami ng kissing scenes namin at may love scenes din kami!" natatawang sabi ni Angelica.

Nakunan na ba ang mga eksenang 'yon? May kaba ba sa kanilang dalawa?
"Siyempre, may kaba. Iba yung atake kasi, kumbaga, may artistry 'yon sa harap ng kamera," sagot ng young actress.

Napakalaki ng casting ng Book 2 ng Maging Sino Ka Man at tiyak na aabangan ang acting ng lahat ng cast members.

"Kabog talaga ang akting dito," banggit ni Angelica. "Kabugan kami nina Bea at Anne. Lahat naman magagaling at walang itulak-kabigin sa lahat ng cast, kaya dapat nilang abangan ito gabi-gabi. Grabe ang ganda ng story! Mai-in love, luluha, at siguradong maaaliw kayo dito."

WORKING WITH OSANG. Kumusta naman ang working relationship nila ni Rosanna Roces sa Maging Sino Ka Man? Mukhang kaabang-abang kasi ang mga eksena nila bilang mag-ina.

"Nakakatawa siya, sobra!" sambit ni Angelica. "Hindi ko ini-expect na ganung klase siyang tao. Noong una kasi, natatakot ako sa kanya, sobra akong nai-intimidate. Hindi ko alam kung paano siya iha-handle, pero ngayon, ang sarap niyang katrabaho. Sa set, para kaming isang pamilya. Marami nga ang nagsasabing para talaga kaming mag-ina, pareho kasi kaming maganda.

DEREK RAMSEY. May knee injury sa kasalukuyan ang boyfriend ni Angelica na si Derek, pero nakatakda pa rin itong mag-compete sa isang frisbee competition sa Taiwan ngayong December. Hindi niya ba binabawalan ang kanyang boyfriend na lumaban since delikado ito for him?
"Hindi ko naman pinipigilan," sabi ng dalaga. "Sa amin kasi, kung ano gusto mong gawin, gawin mo, ganun. Pero magsasalita ako kung ano reaction ko tungkol doon at nasa sa iyo na 'yon kung pakikinggan mo ako.

"Siyempre, first love niya talaga 'yung frisbee kaya hindi na ako makikipagkumpitensiya dun. Sayang nga hindi ako makakasama sa kanya sa Taiwan kasi may taping ako. Nagpaplano kaming mag-Hong Kong sana before his birthday [December 7], pero mukhang hindi na rin matutuloy kasi sunud-sunod ang taping dito," kuwento ni Angel.

So, paano siya babawi kay Derek?
"Di ko alam, e. Piniprisinta ko naman yung sarili ko, kaya lang, wala rin naman kaming choice, di ba?" aniya.

Ano ba ang regalong naiisip niya para kay Derek sa birthday nito?
"Wala pa, wala raw siyang gusto, e. Wala pa akong idea what to give. Ayaw niya akong bigyan ng clue kung ano gusto niyang gift," pahayag ni Angelica.

Gaano siya kasaya ngayon sa piling ni Derek?
"Sobrang happy kami!" mabilis niyang tugon. "Minsan 'pag pareho kaming busy, bumabawi na lang kami sa isa't isa by talking on the phone. We always have time for each other pa rin naman. Recently, sobrang nag-enjoy kami sa trip namin sa Malaysia, with Joross [Gamboa]. Masaya, nakapagpahinga and bonding talaga."

WEDDING TALKS. Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?
"Wala, tanungin n'yo siya," sagot ni Angelica. "Hindi pa namin napag-uusapan, never. Actually, kami yung tao na kung ano meron kami ngayon, sa ganitong paraan kami mabubuhay, yung ganun. Kumbaga, we live day by day na ini-enjoy lang namin, 'pag magkasama kami. Hindi namin pini-pressure ang sarili namin na dapat happy kami.

Pero si Derek na ba ang gusto niyang makasama for the rest of her life?
"Oo naman!" bulalas niya. "Siyempre 憄ag mahal mo yung tao at the moment, siya yung gugustuhin mong makasama, di ba? Wala ka nang hahanapin pa kay Derek. Meron siyang konting sablay, pero parte naman 'yon ng pagiging normal na tao. Ako rin naman hindi perfect, e.

"Ang maganda sa amin, tanggap namin kung ano at sino kami. Walang pretensions sa amin. He's almost perfect and he treats me like a princess. He's such a nice guy at alam kong he'll be a responsible family man if ever we end up together."

What if mag-propose ng marriage si Derek sa kanya ngayon? Willing ba siyang i-give up ang career niya?
"Wala pa siyang nababanggit sa akin tungkol sa marriage, pero if ever, siguro aayusin namin lahat. Paplanuhin namin. Hindi kasi ako natatakot sa salitang marriage, e. Hindi ako yung taong mabibigla doon, ako yung mae-excite. Siguro magiging masaya 'yon dahil lahat naman ng babae, yun ang hinihintay, e. Dapat paghandaan ko ang bagay na 'yan. Pero kasi ngayon, we both know our priorities. Career muna siguro and time will tell if we're both ready to settledown," paliwanag ng young actress.

Hindi ba siya naiinggit sa kaibigan niyang si Camille Prats na soon-to-be-mommy na?
"Hindi naman naiinggit, pero masaya talaga ako para sa kanya," sabi ni Angelica. "Nagkakausap at nagkaka-chat kami. Nakikita ko ang mga pictures nya at kinukuwentuhan niya ako ng mga ginagawa niya sa Amerika. Nakakatuwa kasi ibang-ibang tao na yung nakakausap ko. Iba na siyang mag-isip, magsalita at magkuwento."

What if one day mabalitang siya naman ang buntis?
"Ewan ko, pero magiging happy ako if ever," sagot niya. "I'll be responsible enough to handle a situation like that kasi ginusto ko 'yon. We'll never know kung kailan mangyayari ang bagay na ganyan. Dumarating 'yan unexpectedly, di ba? For as long as I am happy naman, wala akong nakikitang problema. I'm old enough to face the reality in life."

Tinanong din namin kung nag-aaway ba sila ni Derek at kung selosa ba siya.
"Oo naman," pag-amin niya. "Normal lang sa isang relationship ang pagtatalo. Pero ang maganda sa amin, open palagi ang communication namin. Noon, selosa ako, sobra. Siyempre, mas naintindihan ko na ang ugali niya, mas nage-gets ko na yung trip ng mga kaibigan niya at mga trip niya."

GOING ON A DIET. Meanwhile, napuna rin namin ang pagpayat ni Angelica ngayon kaya tinanong namin kung ano ang sikreto niya.

"Nag-diet talaga ako para dito," pagsisiwalat niya. "Nagsa-South Beach kasi ako dati, so ngayon talagang binawasan ko talaga ang kakainin ko para ma-maintain ko ang ideal weight ko. I've lost almost ten pounds siguro. Mas gusto ni Derek ito, balingkinitan.

"Actually, na-hospitalize kasi ako twice. Nagkakasakit ako, nagka-gastroenteritis ako nung last week of October bago ako mag-birthday. Suka kasi ako nang suka, ayaw tanggapin ng sikmura ko yung kinakain ko. Intestinal flu daw 'yon, e, naging uso siya nung mga buwang 'yon," kuwento ni Angelica.
Reply

Use magic Report

Post time 1-12-2007 09:20 AM | Show all posts


John Lloyd Cruz: "Hindi ko puwedeng ikumpara ang sarili ko kay Piolo."
Rose Garcia      Wednesday, November 28, 2007

Sa Book 1 ng Maging Sino Ka Man ay hindi maikakaila ang husay ng performance na ipinamalas ni John Lloyd Cruz, rason kung bakit siya ang nanalong Best Drama Actor sa ginanap na 21st Star Awards for TV ng Philippine Movie Pres Club (PMPC).
Ngayon ay magbabalik muli ang character ni John Lloyd na Eli sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man. Naitanong kay John Lloyd sa presscon ng naturang drama series ng ABS-CBN kagabi, November 27, sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City kung posible kayang isa na naman acting award ang naghihintay sa kanya dahil sa naturang role niya.

"Alam n'yo, medyo malayu-layo ang atensiyon natin diyan," sagot ng mahusay na young actor. "Kasi sa bigat ng trabaho namin dito sa Book 2, hindi ka pa...or hindi mo naman agad maiisip ang award na makukuha mo. In other words, hindi ka naman magtatrabaho para makukuha ng award.

"Hindi naman 憏on ang basis of good work. Kumbaga, sa trabaho namin, bonus na lang 憏on [award]. Kapag may nakaka-recognize ng trabaho mo, kapag may makaka-recognize ng craft mo, pasasalamat na lang. Pero hindi siya ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho," paliwanag niya.

Ayon kay John Lloyd, mas challenging daw talaga ang gagawin or ginagawa nilang lahat ngayon sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.

"Mas challenging siya na in a way, lahat kami back to Grade 1. Maski kami, may na-established na kami sa Book 1. Pero siyempre, yung pacing ng soap, mag-a-adjust ka ulit. Panibagong pag-aaral ulit," pahayag ng young actor.

Ayon kay John Lloyd, magkaiba pero pareho lang daw challenging ang magpatuloy ng dating series at ang gumawa ng bagong serye.

"Challenging siya in a sense na bago kasi ang approach namin sa istorya," sabi ni John Lloyd. "Bago ang approach ng storytelling. But in a way, madali kasi meron na kayong audience. Nandiyan na sila at naghihintay kung ano ang mangyayari sa Book 2. Makakatulong 憏on.

"Pero at the same time," patuloy niya, "risky rin kasi hindi ka pa sure kung magugustuhan ba ng audience na 'yon ang bago. Pero palagi namang may bago. Kung meron man na hindi magkagusto, I'm sure meron din magkakagusto or puwede rin na magustuhan nilang lahat. Kasi ako, sa nakikita ko, wala akong nakikitang dahilan para hindi ito magustuhan ng lahat ng audience."


BUYING AN AWARD. Inusisa rin namin kay John Lloyd ang balitang bayaran diumano sa katatapos na Star Awards for TV, kung saan isa nga siya sa nabigyan ng parangal. Bagama't hindi siya kasama sa nakukuwestiyon, how does he feel na may mga isyu ng bayaran sa naturang award-giving body kung saan ay nanalo rin siya?

"Ganoon ba? Nakakalungkot naman kung ganoon. Kasi ang karangalan, hindi mo dapat nabibili. Hindi mo siya kayang sukatin sa kahit anong halaga ng pera. Ang karangalan, nakukuha...it's either makuha mo or hindi, yun lang 憏on.

"Ako, sa pananaw ko, kung may mga ganyang bilihan, kahit kailangan, hindi ko bibilhin ang dangal ko. Nakakalungkot lang na may ibang tao na akala nila, kaya nilang tapatan ng kahit na magkanong halaga ng pera ang kahit na anong karangalan. Nakakalungkot for them. Kasi sa paniniwala ko, kung ganoon ang paniniwala nila na kaya nilang tapatan ng pera ang kahit anong karangalan, nakakaawa sila. Sa tingin ko, maling-mali ang paniniwala nila," ang malalim na pahayag ni John Lloyd.


LOVETEAM WITH BEA. Taliwas sa balitang magla-lie-low or mamahinga muna ang loveteam nila ni Bea Alonzo pagkatapos ng last movie nila together na One More Chance, heto't makikita at mapapanood pa rin silang magkasama sa telebisyon sa pamamagitan ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik.

"Yes!" bulalas niya. "Kailangan 憈o... Kumbaga, hindi ka naman talaga totally mawala sa ere. Kumbaga, 慹to lang ang magho-hold sa amin. Kami pa rin ang magkasama bilang magka-loveteam.

"Kasi sa MSKM, obstacle. May nagkakahiwalay. Basta para sa team-up namin ni Bea, we're taking a break, pero galing kami sa isang malaking pelikula. Plus, 慹to pa, napakalaking event nitong Maging Sino Ka Man Book 2. Kaya sa tingin ko, hindi rin sila [John Lloyd-Bea fans] malulungkot."


THREAT TO PIOLO. Napag-usapan din during the press conference na sa hanay raw ng young actors ngayon, lalo na sa ABS-CBN, kung lalim lang din ng acting ang pag-uusapan, sinasabing si John Lloyd ang puwedeng ituring na threat kay Piolo Pascual. Huwag nang idagdag na 'tulad ni Piolo, John Lloyd is also celebrating his 10 years in show business. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Naman! Wala tayong maihahandog kagaya ng concert sa Araneta! Yun na lang, puwede mong gawing comparison," natatawa niyang sagot.

"Pero kasi, ang mga nararating naman ng tao, iba-iba, e. Hindi mo naman 憏an nasusukat. Siguro meron kayong interpretation na mas malayo ang narating ni ganito kaysa sa 憏o kasi siya may concert na ganito, may album siya.

"Pero bukod kasi sa ganoon, sa karera namin, kumbaga, mas experienced siya [Piolo]. Unang-una, Piolo is a tri-media artist梙e sings, he host, he acts. Marami siyang nagagawa. Hindi limited ang kanyang artistry."

Ang ibig bang sabihin nito ay limited lang ang kaya ring gawin?
"Sabihin na lang natin na meron akong kayang ibigay at meron akong hindi kayang ibigay," paliwanag niya. "Parang ganoon lang. Pero sinabi ko nga kanina, hindi tayo nagsasarado ng pinto. Puwedeng after a year or two, mag-decide tayo, 慉y, gusto ko na palang kumanta! Ay, gusto ko na palang todo-dancing!' Puwede siyang mag-iba-iba, e.

"Pero sa ngayon, tanggap ko na ito pa lang ang kaya kong ibigay. So, kung ang gagawin nating point of comparison ay kung ano ang kayang ibigay ng isang artista, sa tingin ko, naniniwala ako na mas maraming kayang ibigay si Piolo Pascual."

Napa-flatter ba siya na maikumpara kay Piolo?
"Flattering, at the same time hindi mo kasi alam kung ano... Siyempre, naniniwala naman ako sa inyo, sa sinasabi n'yo. Pero siyempre, may kanya-kanya tayong realidad. Sa reality ng utak ko at pagkatao ko, hindi ko puwedeng ikumpara ang sarili ko kay Piolo," sabi ni John Lloyd.

[ Last edited by  kapamilyaako23 at 1-12-2007 09:23 AM ]
Reply

Use magic Report

Follow Us
Post time 1-12-2007 09:22 AM | Show all posts



Bea Alonzo reviews her role as Jackie for "Maging Sino Ka Man"
Paul Mata     Wednesday, November 28, 2007

Sa grand entrance kagabi ng mga stars ng Maging Sino Ka Man ng ABS-CBN sa Plaza Ibarra, namumukod tangi ang ganda ni Bea Alonzo who was wearing a beige off-shoulder dress. Iba din ang aura at insights na ibinahagi ng aktres kagabi, November 27, nang makapanayam ito ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

The 20-year old actress said that she made a lot of preparations when she reprised her role as Jackie Madrigal. This is the same role that earned for her a Best Actress nomination at the Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards.

She said, "Before I did Book 2, sobrang may hangover pa ako kay Basha sa One More Chance. Sobra. Alam mo yun...nakalimutan ko na si Jackie. After ng ilang months na ginawa ko yung One More Chance, sobrang na-attached ako. Hirap na hirap ako. Ang ginawa ko, I had to watch our past episodes ng Book 1 just to be reminded of Jackie."

Her character Jackie is now married to Eli Roxas, played by onscreen partner John Lloyd Cruz. At the end of Book 1, the two characters got married but there are people around them who don't want them to have their "happily-ever-after" ending.

Bea said that she had to face new challenges in reprising her role and refueling her chemistry with John Lloyd. "Ino-observe ko yung mga taong may asawa na. Kasi 慸i ba ang sabi nila kapag mag-asawa na kayo, iba na the way you fight. Iba na the way you kiss. Iba na the way you hug each other. Pinagmamasadan ko yung mga mag-asawa like Jackie and Eli, na ganoon ka-passionate sa isa't isa. Na ganoon kalalim yung love," she said.

Dahil kasal na ang characters nila, ine-expect ng marami na magkakaroon sila ng passionate love scenes. Natanong namin si Bea kung hanggang saan ang gagawin nilang eksena bilang mag-asawa.

"Siyempre, we have to be considerate that we are doing a TV show. So, meron pa rin tayong responsibilidad sa mga audience natin na baka may mga batang nanonood."

Ani Bea, "Yung love scene namin. Punong-puno ng passion. Punong-puno ng love. At ako, hindi ako nahihiyang ipalabas. Na parang, 慜h my gosh. You shouldn't watch it.' Kahit my boyfriend should watch it. Kahit my mom should watch it."

Dagdag pa niya na ni hindi rin basta-basta ang pag-atake sa mga eksenang ginawa nila ni John Lloyd.
"Ako noong ginawa ko iyon, I was being Jackie. Pero bago namin gawin yung mga ganoong klaseng ekseana, kailangan yung movements, de-numero iyan. Siyempre, hindi namin puwedeng gawin na parang 慾ust go with the flow.' No. Oh no, no way. I'm still a lady. I'm still a woman.

"So, si John Lloyd is a very, very gentleman. Alam niya. Mararamdaman mo yung respect from him. Pero hindi mo mararamdaman yung parang sobra sa respeto, nawawala na yung acting. No, no... parang hindi. And I think, doon pa rin pumapasok yung chemistry," she said.

Bea also expressed her delight about the additions to the cast, including Angelica Panganiban and Rosanna Roces. Both of them are artists with impressive acting credentials.

"Yun yung pinaka-challenging sa lahat na gawin ko dito. Acting with Angel. Acting with Veron, with Ms. Osang. Kasi sila yung major conflict ng buhay namin. Everytime nakikipag-eksena ako sa kanila, ang sarap. Ang sarap. 慸i mo ma-explain yung meaning na sobrang sarap na parang... 慉h, this is acting. Parang this is what I love doing.'"

REINVENTION. Bea though wants to venture into doing more complex and mature roles in the future, both in the movies and in television.



"Siguro naman I'm of age. Parang I just turned twenty and next year I'm turning twenty-one. So, adult na talaga. I think I'm ready. Sabi ko nga, basta naniniwala ako sa proyekto, ok sa akin.



"慏i ba, matagal ko nang sinasabi, lagi kong sinasabi na gusto ko i-reinvent yung sarili ko. And I'm so happy na binibigyan ako ng Star Cinema ng projects para magawa iyon. Right projects and uh... yung pagpapa-seksi naman hindi ginawa iyon intentionally. That's for the characters na ginagawa ko. Para sa growth ng character.

And if ever she wants to do a movie with a darker role, Bea is all praises for Hilda Koronel and the movie Insiang.

She shared to PEP, " I've always been a fan of Tita Hilda Koronel. And sobrang na-amaze ako doon sa Insiang. Wala pa akong nagagawang character na gray kagaya nung may pagka-dark side sa pinagdaanan. If that's the project, why not?"
Reply

Use magic Report

Post time 1-12-2007 11:49 PM | Show all posts
NEW!
MAGING SINO KA MAN BOOK 2 FULL TRAILER:
http://www.youtube.com/watch?v=-oKcJAy8zZ0


[ Last edited by  phoenix_cutez30 at 1-12-2007 11:53 PM ]
Reply

Use magic Report


ADVERTISEMENT


Post time 2-12-2007 12:00 AM | Show all posts
Originally posted by Anfield08 at 30-11-2007 02:45 PM
IALSA re-aired jam 7-8 pagi ???
apalah prima ni, siapa sajalah yg bangun pepagi to watch soap ?


tu lah astro ni.  memang tak kena kat waktu nya.  kalu sempat bangun pun, time nak pergi kerjo.  mana lah boleh tgk.  suri rumah pun tak boleh tgk.
Reply

Use magic Report

Post time 2-12-2007 12:02 AM | Show all posts

Reply #37 kapamilyaako23's post

thanks a lot kapa.
Reply

Use magic Report

Post time 2-12-2007 02:42 AM | Show all posts
MAGING SINO KA MAN: ANG PAGBABALIK
http://www.youtube.com/watch?v=-oKcJAy8zZ0





[ Last edited by  phoenix_cutez30 at 2-12-2007 02:45 AM ]
Reply

Use magic Report

Post time 2-12-2007 10:50 AM | Show all posts
On the trailler. I don't like how Eli is looking at his sis-in-law. I think Angelica P wants to destroy Jackie's family including her marriage.

Can't wait to see those kilig scene of Eli Jackie. ooohh the honeymoon so romantic with the shower scenes.  I'm hoping the scene will take a lot more eps before hell broke loose back home. maybe 1-2 weeks eps should do.

Can somebody translate the articles of Lloydy and Bea. thanx very much

[ Last edited by  crysalide at 2-12-2007 11:02 AM ]
Reply

Use magic Report

Post time 2-12-2007 01:35 PM | Show all posts
UNFORGETTABLE LINES


WHAT do you remember most about Maging Sino Ka Man which gathered the biggest stars for a teleserye?

For one, John Lloyd Cruz and Bea Alonzo became more popular with thenames of the characters they are portraying. Utter the names of EliRoxas or Jackie Madrigal and people will know these characters. Dittowith Sam Milby as JB Berengual and Anne Curtis as Celine Magsaysay.

Lead female actresses have become fashion plates and how could oneforget the lines they mouthed, a few of which are: 揑 never said that Ilove you
Reply

Use magic Report

Post time 3-12-2007 12:29 AM | Show all posts

Reply #52 crysalide's post

oh my gosh.  the shower scene is between jackie and eli?  and here i thought that it was celine and jb.  how romantic jb proposes.
Reply

Use magic Report

Post time 3-12-2007 01:45 PM | Show all posts

Reply #54 marissa_jc's post

yes that was indeed jackie & eli in the shower scene... now the countdown begins here in the Phils... and those who have TFC...

[ Last edited by  kapamilyaako23 at 3-12-2007 01:46 PM ]
Reply

Use magic Report

Post time 3-12-2007 01:46 PM | Show all posts
ASAP O7: PROMO FOR MSKM: ANG PAGBABALIK
http://www.youtube.com/watch?v=JLntxhSkfb8
http://www.youtube.com/watch?v=U6YB6M-K2QI


THE BUZZ INTERVIEW: Derek Ramsey, JLC & Phillip Salvador
http://www.youtube.com/watch?v=aodYspfq6Lo
http://www.youtube.com/watch?v=SdwJZZjDOS0

** Boy Abunda: "no one does drama the way abs-cbn does it" -- very true!!!
** lloydie talks about working w/ 2 great actors in MSKM2 (Phillip Salvador & Christopher de leon),being one of the most brilliant actors of his generation & comparison to Piolo Pascual

[ Last edited by  kapamilyaako23 at 3-12-2007 02:25 PM ]

Rate

1

View Rating Log

Reply

Use magic Report


ADVERTISEMENT


Post time 3-12-2007 02:56 PM | Show all posts
ELI & JACKIE



credits to ~ulan~ of labers
Reply

Use magic Report

Post time 3-12-2007 03:09 PM | Show all posts

ASAP 07

credits to ~ulan~ of labers
Reply

Use magic Report

Post time 3-12-2007 03:26 PM | Show all posts

Reply #57 kapamilyaako23's post

fuhhhh...
Reply

Use magic Report

Post time 3-12-2007 11:48 PM | Show all posts

Reply #58 kapamilyaako23's post

jlc seems to be liking bea microphone better then the one he was handed with.  
Reply

Use magic Report

You have to log in before you can reply Login | Register

Points Rules

 

ADVERTISEMENT


Forum Hot Topic

 

ADVERTISEMENT


 


ADVERTISEMENT
Follow Us

ADVERTISEMENT


Mobile|Archiver|Mobile*default|About Us|CariDotMy

26-11-2024 12:04 PM GMT+8 , Processed in 0.082737 second(s), 34 queries , Gzip On, Redis On.

Powered by Discuz! X3.4

Copyright © 2001-2021, Tencent Cloud.

Quick Reply To Top Return to the list