Jericho and Heart exchange love confessions
Real-life sweethearts Jericho Rosales and Heart Evangelista share their most intimate feelings for each other.
Alex Datu | Friday, February 9, 2007 CF
"Mahal kita dahil kahit nakapikit ka ay kilala mo kung sino ako. Kahit nakapikit ka alam mong malapit ako sa 'yo. Kahit malayo ako, alam mong malapit ako sa puso mo," professes Jericho Rosales to girlfriend Heart Evangelista.
Photo: Noel Orsal
Sa taping ng Homeboy last Tuesday ay nag-guest ang magkasintahan na sina Jericho Rosales at Heart Evangelista. Bale birthday celebration na rin 憏on ni Heart, who will turn 22 this Valentine's day, February 14.
In connection to the Valentine's day, hiningan din ng Homeboy sina Jericho at Heart ng personal confessions nila para sa isa't isa. Magbibigay ng opening phrase si Boy at ang magkasintahan na ang magpapatuloy.
Bumibilis ang tibok ng heart ko...
HEART: "Bumibilis ang tibok ng heart ko hanggang ngayon kapag bumababa ng kotse si Jericho na naka-shades siya, pagkatapos naglalakad papuntang kotse ko."
JERICHO: "Bumibilis ang tibok ng heart ko kapag lumalapit siya sa akin at binibigyan niya ako ng hug, pero hindi ko alam kung ano ang kasunod. Baka biglang may kiss!" (laughs)
Kung mai-in love ako ulit...
HEART: "One big lesson when I broke my heart ay not to pressure, huwag masyadong maging immature. Mag-isip nang tama bago ka magsalita para wala kang masasaktan o para wala kang masyadong ma-suspect sa tao."
JERICHO: "Sabi ko sa sarili ko, kung mai-in love ako ulit ay kailangan higitan ko yung nakaraan."
Kapag binuksan mo ang aking puso...
HEART: "Madami akong gustong gawin at madami akong gustong mahalin
|